Friday, July 27, 2012

Part 2 - Sex: Bakit ka Nilikha ng Diyos

6.2.2) Bakit ba sagrado ang Sex?


Ang buhay na nabubuo sa pagtatalik ng tao ay buhay na galing sa Diyos sapagkat ang kaluluwa ng tao ay gawa mismo ng Panginoong Diyos at hindi galing sa ating mga magulang. Tanging katawan lamang ang nag-gagaling sa magulang ng taong nabuo sa sinapupunan, subalit ang kaluluwa ay galing sa Diyos. At dahil ang buhay ng tao ay sagrado sapagkat ito ay galing sa mismong kamay ng Diyos, ang pag-gawa ng tao ay sagrado rin at hindi natin pwedeng paghimasukan ito nang labag sa kanyang likas na layunin na gawa ng Diyos.

Kung pwede mong gamitin ang teknolohiya upang lunasan ang sakit ng tao, bakit hindi mo pwedeng  gamitin ang teknolohiya upang pigilan ang pag-gawa ng bata? Kung pwedeng uminom ng gamot para sa sakit ng ulo,  bakit naman hindi pwedeng gumamit ng pills para hadlangan ang pagbuo ng bata? Ang katuwirang ito ay sala sa wastong pag-iisip sapagkat  ang bata na dulot ng sex ay hindi isang sakit kundi biyaya ng Panginoong Diyos. Ang contraceptive ay hindi mahihintulad sa gamot. “Ang contraceptive ay naghahadlang sa biyaya ng Diyos, samantala ang gamot ay nagpapagaling ng sakit.” 1

At ganito na nga ang palagay sa bata nang karamihan na gumagamit nang contraceptive; siya ay tinitingnan na parang sakit na dapat iwasan. Sa Europa at sa Singapore, ang  pagdami ng populasyon ay napakabagal dahilan sa ganitong pananaw sa pagbubuntis at kung hindi ito magbabago ang ekonomya nila ay mahihirapan. Dahil sa contraceptive mentality, lumabas na sa hanay ng mag-asawa ang pag-gamit nito. Dahil pwede naman magsex nang walang batang mabubuo at kung gayon walang pananagutan, ang mga kabataan ay madaling natutukso sa kanilang mapusok na damdamin. At ang ganitong kalakaran sa kanilang murang karanasan ay makakapagdulot ng maraming kabaluktutan sa kanilang panghinaharap na buhay.  Dahil sa contraception, naging libangan na lang ang sex sa mga taong di mag-asawa. At dulot nito ay  naging mura na lang ang sex sa pagtingin ng tao. At kung mura na lang ang sex, hindi mahalaga, pwede ng paglaruan ng di mag-asawa.

6.2.3) Saan ba nakasulat sa Bibliya na masama ang Contraception?

Mahalaga din nating basahin ang nakasulat sa Bibliya hinggil sa contraception.  Kung kilala ninyo si Onas, siya ay nabigyan ng mabigat na parusa dahil sa 'withdrawal'. Ang 'withdrawal' ay pagkakasala ng isang babae at isang lalaki na nagtatalik kung saan kapag ang lalaki ay lalabasan na , huhugutin ng lalaki ang kanyang ari upang hindi mabuntis ang babae. Ito ay isang paraan ng contraception, isang mabigat na kasalanan. At anong parusa ang ginawad ng Panginoong Diyos kay Onas dahil sa kasalanang ito – KAMATAYAN. Siya ay binawian ng buhay ng Diyos dahil hindi niya isinaalang-alang ang wastong pag-gamit ng sex. Pinigilan niya ang pag-gawa ng bata na dapat mangyari kapag ang mag-asawa ay nagtatalik (Genesis 38: 6-10).


To explain this in English, here is the summary of the arguments:  

Artificial contraception is immoral because it violates the purpose of sex namely pro-creation. Sex was created by God for pro-creation and if you violate it, then it is sinful. You don't use scissors for paper and use it for rubber or else it will become dull. You don't use pliers to hammer down a nail. You don't write with your whiteboard marker with its pointed end covered, you are defeating its purpose to write. You don't make love with a woman using a condom, you are defeating the purpose of God. It has a great effect on the human psyche which renders sex as a mere pleasurable commodity and not as something sacred. Since human life is sacred, the pro-creation of human life is also sacred. Why is sex made pleasurable by God? So we will do it and bear children, for He said, go and multiply. In the Old Testament, Onas was punished directly by God with death when he committed the sin of withdrawal, a method of contraception (Gen 38: 6-10). Perhaps, a clearer analogy is “why is gluttony  sinful”? Why did God make eating pleasurable? So we will eat and grow healthy, remain strong and alive. Otherwise, we will grow weak, sickly till we die. Why is gluttony sinful? Because it violates the purpose of eating which is to give heath and life to our body. If you eat excessively, you grow fat, become overweight, diabetic and susceptible to many sickness till you die. Why did God make sex pleasurable? So we will do it and pro-create more babies. Now, if there is a serious reason to control pro-creation like having too many children to feed, what can couples do? They can use the natural family planning method. God has created the body of the woman in such a way that she is only fertile for only 12 days during the month. This is the window which God has provided to man so he can control birth if necessary. Why not the artificial method? If you can use medicine to cure sickness of the body why not use medicine to control birth? There is a flaw in this logic. Sickness is a curse of the body while a baby is a blessing from God. A baby is not a disease which you need to cure. What is the difference between artificial from natural contraception since it serves the same purpose? Why is mercy-killing immoral when you already know that your father will surely die soon? So why not give him lethal injection immediately to save him from further suffering? 

I would like to quote the following excerpts from Catholic.org to answer these questions:

Couples who use natural family planning (NFP) when they have a just reason to avoid pregnancy never render their sexual acts sterile; they never contracept. They track their fertility, abstain when they are fertile and, if they so desire, embrace when they are naturally infertile. Readers unfamiliar with modern NFP methods should note that they are 98-99% effective at avoiding pregnancy when used properly. Furthermore, any woman, regardless of the regularity of her cycles, can use NFP successfully. This is not your grandmother’s “rhythm method.”
To some people this seems like splitting hairs. “What’s the big difference,” they ask, “between rendering the union sterile yourself and just waiting until it’s naturally infertile? The end result is the same: both couples avoid children.” To which I respond, what’s the big difference between killing Grandma and just waiting until she dies naturally? End result’s the same thing: dead Grandma. Yes, but one is a serious sin called murder, and the other is an act of God.
If a person can tell the difference between euthanasia and natural death, he can tell the difference between contraception and NFP. It’s the same difference. I’m not equating contraception and murder. That’s not the analogy. Rather, Grandma’s natural death and a woman’s natural period of infertility are both acts of God. But in killing Grandma or in rendering sex sterile, we take the powers of life into our own hands — just like the deceiver originally tempted us to do — and make ourselves like God (see Gn 3:5).
This is why Pope John Paul II concludes that contraception “is to be judged so profoundly unlawful as never to be, for any reason, justified. To think or to say the contrary is equal to maintaining that in human life, situations may arise in which it is lawful not to recognize God as God” (address Oct. 10, 1983).

If you have resisted the Church’s teaching on contraception, maybe it’s time to give it some more thought.

[Editor's note: Please enjoy regular features from this and other enlightening authors discussing Catholic teaching on sexuality in CE's Theology of the Body channel.]
end of quote.

Marami pa ding mga Katoliko at ibang Kristyano na hindi naniniwala dito. Hindi ko alam kung nabigyan na sila nang hustong paliwanag ukol dito. Para sa kanila, ay hindi maliwanag na ang contraception ay mali o masama  dahil ito ay labag sa layunin ng sex. Sa mga taong ito tama lang gumamit ng contraceptive kung kailangan mabawasan ang pagdami ng tao na sa wari nila'y sobra dami na sa mundo. Sa kanilang pag-iisip,  tama lang gamitin ang contraceptive lalo na kung ang pamilya ay mahirap (poor) upang magkaroon ng maginhawang buhay ang mga bata at ang pamilya. Sa wari nila, hindi masama magcontraceptive kung hindi pa gusto ng mag-asawa magkaroon ng bata. Walang masamang dahilan sa pag-gamit ng contraceptive upang maiwasan ang pagkakaroon ng bata. Para sa kanila, hindi maliwanag na masama gumamit ng contraceptive kahit ginawa ng Diyos ang sex para sa paglikha ng bata. Sa katuwiran nila, walang masama kung iwasan ang pagbubuntis gamit ang contraceptive hangat wala silang ginagawang  masama sa kanilang kapwa.

Saan ba nagmula ang contraceptive? Ano ba ang dahilan bakit naisipan ng tao gumawa niyan? Sapagkat ang tao ay may likas na kabutihan, malamang ay ginawa ito na may mabuti at magandang dahilan. Marahil ginawa ito para maiwasan ang hindi nais na pagbubuntis (unwanted pregnancy)  na makakapinsala sa kalusugan ng ina. Siguro sinang-ayunan ito para maiwasan ang sobrang daming anak na nakakapagpabigat sa pamumuhay ng pamilya. Kaya nga lang kung ang contraception ay tunay na masama, hindi parin makatuwiran ang mga nasabing dahilan sapagkat ang mabuting layunin ay hindi nagbibigay ng matuwid na katuwiran sa pag-gamit ng masamang paraan ( the end does not justify the means). Hindi purkit maganda ang layunin  ay pwede nang gumamit ng masamang paraan. Kung ang isang malaking pamilya ay nakakaranas ng pagkagutom dahil sa kahirapan, maaari bang sabihin ng mister kay misis na magbenta ng laman (engage in prostitution) upang makakain at mabuhay ang pamilya? Sa atin na maliwanag pa ang pag-iisip ang sagot ay 'HINDI PWEDE'. Maliwanag pa sa sikat ng araw sa ating pang-unawa na ang prostitusyon ay lubos na masama, at natural, malakas at matindi nating hahadlangan ito. Ang malaking problema ngayon ay hindi maliwanag sa karamihan na ang contraception ay lubhang masama din at malaking kasalanan sa Diyos. At ang naikuwento ko sa  nagdaang pahina tungkol kay Onas na pinatay ng Diyos dahil sa kasalanan na 'withdrawal' ay isang patunay sa mungkahing ito. At kung hindi parin ganap  ang paliwanag na ito ay saan kaya natin hahanapin ang kasagutan?

6.2.4) ANG MALAKING KATANUNGAN AY SAAN BA NATIN PAGBABATAYAN ANG KASAMAAN O KABUTIHAN NG ISANG BAGAY O GAWAIN?

Sa ating mga Katoliko, mayroon tayong obligasyon na pakinggan, maniwala at sundin ang itinuturo  ng Simbahan tungkol sa larangan ng kabutihan (morality) at hindi umasa sa sariling kaisipan lamang. Unang-una hindi lahat ng bagay-bagay sa moralidad ay madali at common sense lamang. Hindi puwedeng magmarunong ang lahat at sabihin na simple lang iyan. Hindi maaaring sabihin na walang pamantayan ang tama o mali, na ito ay nakabase sa kanyang kanyang paniniwala lamang. Pag ganitong paniniwala ang ating susundin, magkakagulo tayo sa mundo. Halimbawa, kung ang paniniwala ko ay hindi masamang pumatol sa babaing may asawa kung pumapayag naman ang babae makipagtalik sa akin, dapat kayang igalang ng lalaking asawa ang pagtatalik namin kung ang paniniwala niya ay dimonyo ako at pinagtaksilan siya ng kanyang asawa???Malaking gulo kung hindi patayan ang idudulot nito!!! Maraming dapat ayusin sa mga maling pang-unawa ng mga tao sa masasamang moralidad na nangyayari ngayon.

BAKIT BA DAPAT NATING PAKINGGAN ANG MORALIDAD NA TINUTURO NG SIMBAHAN?

Bilang Katoliko alam natin na tinatag ni KRISTO ang simbahan upang ipagpatuloy ang Kanyang pagtuturo ng Katotohan, ang katotohan tungkol sa tama at mabuti. Inatasan ni Kristo ang mga apostoles, ang unang mga pinuno o obispo ng simbahan, na humayo at ipangaral sa lahat ng tao ang kanyang mga sinabi, mga KATOTOHAN na kanyang inilahad. At sa dalawang libong pagkakatatag ng Simbahang Katoliko, patuloy na pinag-aaralan ng mga pari at obispo  o “theologians” na dalubhasa sa bibliya ang ipinangaral ng Panginoon. Ipinadala ng Panginoong Hesus ang Diyos Espritu Santo upang gabayan ang Simbahan tungkol sa pagtuturo ng kabutihan (morality) at pananampalataya (faith).  Masasabi natin sila ang dalubhasa “expert”  sa larangan ng kaalaman ng kabutihan (morality). Sa ating panahon ngayon, ang lahat ay nagtitiwala at umaasa sa mga dalubhasa   (expert) o me-alam (in-the-know). Kapag sira ang iyong sapatos saan ka ba pumupunta? Sa sapatero di ba? Kapag gusto mong magpagawa ng bahay, saan ka magpapagawa? Sa karpentero o arkitekto. Kung ikaw naman ay may sakit , sino  ang iyong pupuntahan? Doktor di ba? At kung kailangan malaman natin ang katotohanan kung masama o hindi ang contraception kailangan natin din sumangguni sa mga dalubhasa, at ito ay ang Simbahan. Subalit higit pa riyan, sa mga Katolikong may pananampalataya sa Panginoong Hesus, dapat tayong makinig sa Simbahan sapagkat sa Simbahan tayo pinaubaya ng Panginoong Hesus upang pangalagaan ang ating pananampalataya at pagsunod sa utos Niya. Noong sinabi ni Hesus kay San Pedro, ang unang Santo Papa, ng tatlong beses “pakainin mo ang aking mga tupa (feed my sheep..,John 21: 15-17)”, ang “tupa” na tinutukoy ni Hesus ay tayong mga anak ng Diyos, ang lahat ng tao lalong lalo na tayong mga Katoliko at mga nalalayong kapatid na Kristyano. At tulad ng sinabi ni Hesus sa mga disipulo niya na ang nakikinig sa kanila ay nakikinig sa Akin at ang hindi nakikinig sa kanila ay hindi nakikinig sa Akin (Lukas 10:16), ang hindi nakikinig sa Simbahang tinatag ni Hesus ay hindi rin nakikinig kay Hesus. Ang Simbahang Katoliko ay ang Simbahang tinatag ni Kristo sa pamamagitan ng mga Apostoles.
Huwag sana tayong magmatigas at sabihin na pawang common sense lang iyan o ang simbahan ay masyadong makaluma. Siguro naman kilala pa din natin si Pope John Paul II at kung gaanong katalino siya. At si Pope Benedict XVI, ang dating adviser ni Pope John Paul II, alam ba ninyo kung gaanong katatalino ang mga taong ito at ang iba pang nakalipas na Papa? Huwag sana tayong basta maniwala sa mga sinasabi ng media na sila ay makaluma at sarado ang isip. Malawak ang pag-iisip ng simbahan lalo na ang mga dalubhasa na nag-aaral ng mga bagay na ito. Ang mabilis na pagbabago ng teknolohiya na nakapagpabilis ng takbo ng buhay ng tao ay hindi bago sa ating panahon. Nagsimula na ito noong 1900's pa at marami nang natutunan ang tao sa mga pagbabagong ito. Alam ng mga intellectuals iyan lalo na ang mga tao na nag-aaral ng pamumuhay ng tao: sociologist, psychologist, historian, philosopher, etc. At ang simbahan ay pinag-aaralan ito upang lubos nilang maintindihan ang pag-iisip ng tao ngayon. Kung talino lang ang ating pag-uusapan ay magtiwala tayo sa kanila sapagkat si Pope Benedict XVI ay nabibilang sa ganyang kategorya at wala silang masamang hangarin kundi ang tanging kabutihan natin dahil iyan ang dahilan kung bakit sila naglilingkod sa Diyos. Huwag natin sanang kalimutan na sila ay ating mga magulang sa ating pananampalataya at hinabilin tayo sa kanila ng Panginoong Hesus. Samantala ang promotor ng contraception ay ang USA at ayon mismo sa kanilang  classified US document National Security Study Memorandum 200 (NSSM 200) noong 1970's na nilagda mismo ni dating secretary of state na si Henry Kissinger sa pamumuno ni president Nixon, nakasulat doon na plano ng US na pigilan ang pagdami ng tao sa mundo upang hindi maubos ang yaman ng lupa katulad ng oil, minerals, metals, at iba pa para mapakanibangan ng US ang mga ito. Ito ay public document na ngayon at makikita sa internet dahil declassified na ito ng US government. At gagamitin nila ang lahat ng kanilang kapangyarihan upang magtagumpay sila, katulad ng media, poltitics, pera ,at iba pa. Sinimulan nila ito sa Pilipinas sa panahon ng dating pangulong Marcos noong 1970's subalit hindi sila nagtagumpay sapagkat gusto ng mga magsasaka ay maraming anak upang makatulong sa pagsasaka. Sa ngayon nakumbinsi ng US ang media at ibang politicians sa atin na tama ang pagkitil sa pagdami ng tao. Mahusay ang US sa ganyan at para sa kanila pwede ang mga pills kahit ito ay nakakapatay ng bata sa sinapupunan ng ina sapagkat legal naman sa kanila ang abortion.

BAKIT KAILANGAN MAKINIG DIN ANG IBANG PANANAMPALATAYA SA SIMBAHANG KATOLIKO?

At para naman sa mga ibang Kristyano na hindi Katoliko, bakit naman sila dapat makinig din sa boses ng Simbahang Katoliko? Marahil mahirap magbigay ng hustong paliwanag sa mga kapatid nating Kristyano na iba ang pananampalataya. Mahirap nang palitan ang paniniwala na matagal nang nabaon sa kalaliman ng ating pag-iisip, mga paninindigan na matagal nang nakagisnan at napagtibay ng mahabang panahon. Subalit gusto ko lang sanang subukan, sa maikling paliwanag na ilalahad ko ngayon, na makapagbigay ng makabuluhang katuwiran kung bakit kailangan nating makinig sa Simbahan na tinatag ni Hesus bago Siya umakyat sa langit. At nais kong simulan ang aking paliwanag sa pamamagitan ng isang kuwento.

Noong  first year college pa ako  , may isa akong nakilala na sumapi sa Bible study sa loob ng kampus ng isang sikat na paaralan sa Manila. Sa simula, siya ay natuwa sa pagdalo sa pag-aaral ng Bibliya hangang napag-alaman niya, pagkatapos ng tatlong pagtatagpo,  na ang nasalihan niyang grupo  ay  mga born-again-Christian. Nasorpresa siya at  nagulat. At nasabi niya sa sarili na hindi na muli siyang sasama sa grupong iyon sapagkat ayaw niyang maging  born-again-Christian. Naniniwala siya na kapag siya ay nagpatuloy nang pakikinig sa mga born-again, siya  ay magiging born-again din. Ayon sa kanyang napag-alaman noong bata pa siya, may mga kamag-anak, kaibigan at kakilala ng kanilang pamilya na nagbago ng relihiyon nang sila ay napaliwanagan ng ibang sekta. Ang isa ay naging Iglesia ni Kristo pagkatapos makinig sa Iglesia ni Kristo. Ang isa ay naging Mormon . Ang iba ay naging Saksi ni Jehova . Dahil ang karaniwang Katoliko ay walang alam sa Bibliya , sila ay madaling napapaniwala sa kaunting paliwanag ng mga sanay sa Bibliya. Kapag nagsalita ng mga ”verses” ang mga sanay sa Bibliya sa mga Katolikong kristyano, sila ay napapa 'Oo nga' na lamang. 'O tingnan mo itong verse na ito....Oo nga no! O, ito pa....Oo nga no! O pagmasdan mo yang verses na yan....Oo nga no! Basahin mo pa ito...Oo nga! Oo nga tama ka! Mali ang Katoliko! Sasama na ako sa inyo.'........   Samantala, napag-isip ng kakilala ko kung bakit nga ba ayaw niyang maging born-again-Christian. Tinanong niya ang kanyang sarili -  “Bakit nga ba ako Katoliko? Ako ba'y Katoliko dahil ang magulang ko ay Katoliko? Dahil ang kapatid ko at kamag-anak ko ay Katoliko? Dahil ito na ang nakagisnan ko at ito na ang kinakalakihan ko kaya ako dapat ay Katoliko? Kung tama itong dahilang ito, eh may katuwiran din ang mga Iglesia   ni Kristo, Jehova's witness at lahat ng iba pang relihiyon sapagkat sila din ay tumanda sa kanilang nakagisnang  relihiyon na kanila ngayong pinaniniwalaan. At kung ito ang dahilan ko, masyado atang mababaw na dahilan ito at hindi rin makatuwiran.... Eh bakit nga ba ako Katoliko? Ito ba ang tama at tunay na pananampalataya?” Napag-isip siya ng matagal... sa bandang huli natanong niya ang kanyang sarili muli: “eh bakit ko ba masyadong pinagkaka-abalahan at sinisoryoso ang aking relihiyon?... Ah kasi mahal ko ang Panginoon. At mahalaga sa Panginoon na tama at totoo ang pananampalatayang pinaniniwalaan ko. Dapat kong sundin ang pananampalatayang gusto ng Panginoon Diyos - hindi yung gusto ko kundi iyong gusto Niya. Sapagkat kung ang susundin ko ay ang gusto ko, ang hinahanap ko sa relihiyon ay ang aking sarili hindi ang Panginoon, ang mahal ko ay ang aking sarili, hindi ang Panginoon... Kung ganoon, ano ba ang tamang pananampalatayang gusto ng Panginoon? Papaano ko malalaman?...Kung pag-aaralan ko ang bawat isang pananampalataya ay hindi na ako makakatapos ng Engineering. At kung sakali man na may oras ako at sabihin na natin na genius ako, ano kayang garantiya na di ako magkakamali??? WALA!!! Walang garantiya..Eh paano ba ito? Paano ko ba masasagot ang problemang ito? Isip,.. isip,.. isip” Di nagtagal na-isip  niya na kung mayroon mga taong tunay na banal, ang kanilang pananampalataya ang marahil ang tama at tunay na pananampalataya na gusto ng Panginoong Diyos. Kung baga sa gamot, kung ako ay may sakit at naghahanap ng tamang gamot, papaano ko malalaman ang gamot na makakagaling sa akin. Kung mayroong Hapon, Koreano, Amerikano, Aliman, at Pilipino na mag-aalok ng kani-kanilang gamot at pawang magagaling ang kanilang mga paliwanag, paano ko malalaman kung ano ang tama at epektibong gamot para sa aking sakit? Hindi marahil ang kanilang paliwanag ang aking pagbabasehan dahil hindi naman ako duktor para maunawaan at malaman kung  tama ang kanilang mga sinasabi, kundi ano ba sa kanilang gamot ang nakapag-pagaling na ng taong maysakit. Kung ang gamot ng Pinoy ang  nakapag-pagaling, iyon ang aking kukunin. At sa pananampalataya, para malaman ko kung ano ang tama at gusto ng Panginoon, ang pananampalatayang nakapagpadala na sa langit ang aking pakikingan at tatanggapin. Sapagkat kung ang taong ito ay nasa langit na, iyan ang ebidensya na tama ang kanyang pananampalataya. Dahil sa katuwirang ito ay natanong niya sa kanyang sarili, “Mayroon bang tao sa kasaysayan ng daigdig na masasabi kong tunay na banal, tao na masasabi natin na walang duda na ang Panginoong Diyos ay natuwa sa kanyang buhay?” Nang naisip niya ito, ang pumasok sa kanyang pag-iisip kaagad ay ang mga santo, mga santo na hinayag ng Simbahang Katoliko.

Sino ba itong mga santo na ipinahahayag  ng Simbahang Katoliko? Sila ba ay naging santo sa walang kadahilanan?..' wala lang, wala kasing magawa ang  Simbahang Katoliko kaya nag-imbento sila nito.' Ito ay napakalayo sa katotohanan .

Kilala ninyo ba si San Lorenzo Ruiz? Papaano ba siya naging santo? Kailan ba siya naihayag ng simbahan na santo?... Si San Lorenzo Ruiz ay nabuhay nang panahon ng Kastila, noong ika-17 siglo, sa siglo 1600. Siya ay napasama sa mga Kastilang misyonaryo na pumunta sa bansang Hapon upang  magturo ng kristyanong pananampalataya. Siya, kasama ng mga paring misyonaryo, ay hinuli ng mga makapangyarihan ng Hapon. Sila ay pinahirapan at pinatay  dahil sa ayaw nilang itatwa ang Kristyanong  pananampalataya. Kung  itatakwil niya ang kanyang pananampalataya, siya ay pakakawalaan at malayang mabubuhay. Subalit minatamis pa niyang siya ay mamatay huwag lang niyang itakwil ang kanyang pananampalataya sa Panginoon Hesu Kristo. Pwede naman niyang sabihin na tinatakwil niya ang kanyang pananampalataya subalit kunwari lamang, at siya ay palalayain. Subalit hindi niya ginawa ito upang magbigay ng  magandang halimbawa sa mga tao. Dahil dito, siya ay inihayag na santo.  Mahigit na 300 taon ang nakalipas bago pa siya madeklara ng Simbahang Katoliko na santo at iyan ay pagkatapos masuri ang kanyang buhay at magkaroon ng dalawang himala na ipinagkaloob ng Diyos dahil at sa pamamagitan ng dalangin kay SanLorenzo Ruiz. Hindi sapat na mapatunayan lamang ang banal na buhay ng santo, kailangan din ng dalawang milagro galing sa panalangin ng santo sa Panginoong Diyos bago siya maihayag na banal.

Si San Josemaria Escriva ay naihayag na santo noong Oktubre 6, 2002. Ang unang malaking himala na ipinamalas ng Panginoon sa pamamagitan ng panalangin kay San Josemaria ay ang biglang pag-galing ng isang madre sa sakit na cancer. Ang balat ng madre ay batbat ng bukol sanhi ng sakit na cancer at ilang buwan na lamang ang nalalabi sa kanyang buhay, wika ng duktor.  Subalit ang sakit na ito ay  himalang nawala. Sabi ng madre, siya ay gumaling sapagkat tinulungan siya ni San Josemaria na ipagdasal sa Poong Maykapal na gumaling ang kanyang sakit. Ito ay pinatunayan  ng mga duktor at  mga dokumento ng iba't ibang 'medical laboratory tests'.

Ang pangalawang milagro ay nangyari dito sa Pilipinas. Mayroon isang pasyente na may malaking butas sa “eardrum”. Halos 80% ng kanyang “eardrum” ay butas at ito ayon sa pagsusuri ng mga manggagamot ay imposible ng maghilum at mabuo muli. Ngunit ito ay napagaling sa paghingi ng tulong kay San Josemaria. Nagdasal ang may pinsala kay Josemaria Escriva na hilingin sa Panginoong Dios na siya ay pagalingin at iyon nga ang nangyari.

Hindi basta basta idinideklara ng simbahan na ang isang kristyano ay santo o banal. Ito ay mahigpit na pinag-aaralan at masusing pinagtatalunan sa tribunal katulad ng pagtatalo ng mga abogado sa husgado o korte. Kaya matagal ang proseso bago maihayag na santo ang isang tao.

Nang napatunayan ng kakilala ko na tunay na banal ang mga santo dahil sa mga himalang naganap sanhi ng kanyang pagdarasal sa Diyos, nasabi niya sa sarili na susundan niya ang pananampalataya nila. At ano iyon? Sila ay nagsisimba sa simbahang Katoliko, nagkukumpisal sa pari, nagdadasal sa mahal na Birheng Maria. Sabi niya, “ hindi ko naiintindihan ang rosaryo o kumpisal”, subalit ito ang ginawa ng mga santo, kaya gagayahin ko sila para rin ako maging banal o kaya ay mapalapit man lang sa Panginoong Diyos”. Ang mga himala ay parang tatak na ipinapakita ng Panginoon sa mga tao bilang tanda ng kanyang pagsang-ayon sa gawa at buhay nila at upang sila ay tularan. May nagsasabing ang himala ay pwede rin mag-galing sa demonyo. Subalit sa pagkakataong ito , hindi tama na ito ay magbuhat sa demonyo sapagkat dahil sa himala, ang mga tao ay mapapalapit sa Diyos, at ito'y labag  sa kagustuhan ng demonyo. Dahil sa himala, ang mga tao ay magnanasang maging santo rin: sila ay magiging madasalin , magpapakabuti at iiwas sa kasalanan.

Mahigit na 30 taon na nakakalipas na napag-aralan ng kakilala ko ang pananampalataya ng Katoliko at sa ngayon ay lubos na niyang nauunawaan at pinaniniwalaan na ang Katoliko ang tunay na pananampalatayang may patnubay ng Panginoong Hesus. At ito ang kanyang paliwanag :

Dalawang bagay lamang ang ginawa ng Panginoong Hesus para tuparin ang kanyang misyon na mailigtas tayo sa kasalanan. Upang tayo ay mailigtas  at makapunta sa langit, dapat tayong magpakabuti ( our Lord Jesus Christ said, ”not everyone who says,' Lord, Lord..' shall enter into the kingdom of heaven , but he who fulfills the will of my Father in heaven...”Matthew 7:21). Ang mga nagsasabi ng 'Panginoon, Panginoon' ay nanalangin sa Diyos at may pananampalataya sa Kanya. Sa makatuwid, hindi sapat ang pananampalataya sa Diyos upang maligtas, kailangan ding magpakabuti.  At sa Mateo 25: 34-36, ang ginawang batayan ni Kristo para makapunta sa langit ay ang pag-gawa din ng kabutihan: 'sapagkat ako'y gutom, ako'y iyong pinakain, sapagkat ako'y uhaw, binigyan mo ako ng inumin, ...' At para tayo magpakabuti ang una Niyang ginawa ay ituro sa atin ang Katotohanan: ang tama sa mali at mabuti sa masama (“Ako ang Daan , ang Katotohanan, at ang Buhay”; Juan 14:6). Ito ang ginawa Niya mula nang Siya ay naging 30 taong gulang. Tatlong (3) taon Siyang nangaral sa mga tao at nagpakita ng mga himala upang patunayan na Siya si Kristo at paniwalaan Siya ng mga tao.

Kung alam natin ang tama at mabuti, ito ba ay gagawin natin? Malamang hindi sapagkat mahina tayo. Madalas ginagawa natin ang mali at masama kahit alam natin ang tama dahil mahirap gawin ito. Sa dahilang ito, ang pangalawang ginawa ni Hesus ay bigyan tayo ng grasya. Pagkatapos Siyang mangaral sa loob ng tatlong taon, inalay Niya ang Kanyang buhay sa krus para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. Siya'y namatay at pagkatapos ng tatlong araw, Siya ay nabuhay na mag-uli bilang katunayan ng Kanyang tagumpay laban kay satanas. At dahil dyan, tayo ay nakakatanggap ng grasya buhat sa Panginoong Diyos. Sa pamamagitan ng grasya at nang ating pagsunod dito, makakayanan nating magpakabuti (“ With men it is impossible, but not with God, for all things are possible with God.”;  Mark 10:27).

Pagkaraan ng 40 araw mula sa Kanyang muling pagkabuhay, Siya ay umakyat sa langit. Sino ngayon ang magpapatuloy ng Kanyang misyon ng pagliligtas. Sino ang magpapatuloy ng pagtuturo ng Katotohanan at pagbibigay ng grasya? Sino ang magtuturo ng Katotohanan? Sino ang magbibigay ng grasya sa mga tao? Nang namatay si Kristo sa krus upang mabigyan tayo ng grasya, automatic ba na natanggap natin ang grasya? Pagkatapos Niyang namatay sa krus, automatic ba na tayo'y pinatawad sa ating mga kasalanan? Automatic ba na  tayo'y anak ng Dios at ligtas na? Ang sagot sa mga katanungang ito ay HINDI... Upang matanggap natin ang grasya ng Panginoon, mapatawad sa ating kasalanan at maging anak ng Dios, kailangan  tayong mabinyagan... At sino ngayon ang magbibinyag? Kahit sino ba na nakapagbasa ng Bibliya at may marangal na layunin ay pwede ng magbinyag? Ang sagot ay HINDI !

Bago umakyat sa langit, inatasan ni Hesus ang Kanyang mga alagad na ipagpatuloy ang kanyang misyon ng pagliligtas - ang misyon ng pagtuturo ng Katotohanan at ang misyon ng pagbibigay ng grasya. Ang mga alagad na ito ay ang kanyang mga apostoles, mga taong nagpatuloy ng kanyang Simbahan sa pamumuno ni San Pedro. Sinabi ni Hesus kay Pedro, “Simon, ang Ngalan mo ngayon ay Pedro na may kahulugang bato. At sa batong ito ay itatayo Ko ang aking simbahan at ang kapangyarihan ng demonyo ay hindi magtatagumpay laban  dito (Mateo 16:13-20)”. Sinabi din ni Hesus sa 11 alagad Niya, “humayo kayo at gawin ninyong disipulo ang lahat ng bansa, binyagan ninyo sila sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, at ituro na sundin ang lahat ng Aking pinag-uutos sa inyo, at tandaan ninyo na Ako'y makakasama ninyo hangang sa katapusan ng mundo (Mateo 28:16-20).” Sa makatuwid ang simbahang ito ay hindi matitinag, hindi mawawala at tatagal hangang sa katapusan ng mundo.

Kung hindi ginawa ito ni Hesus, kanino tayo makikinig? At iyan nga ang tanong ng aking kakilala 30 taon nang nakaraan. Kung hindi ito ginawa ni Hesus, magkakanya-kanya tayo ng paniniwala. At yan na nga ang nangyari sa kasaysayan ng mga tumiwalag sa simbahang Katoliko. Ang Mormon Church na tawag din na Church of Latter-Day- Saints ay may maraming sekta na ngayon sapagkat hindi sila magkasundo sa isang paniniwala. Ang Protestant Church na nagmula sa dating Katolikong pari na si  Martin Luther ay may ilang daang sekta na din. At dahil sa walang katapusan ang paghihiwalay ng mga Protestante ay lumitaw naman itong Fundamentalist born-again Christian upang matigil   ang  hindi pagkakasundo ng bawat sekta.(wika nila, “Religion will not save you. You just have to accept Jesus Christ as your personal Lord and Savior, and you will be saved.” This is their famous line of evangilizing.) Dito sa Pilipinas, mayroon tayong Iglesia ni Kristo at di naglaon, humiwalay si brother Eli Suriano at nagtayo siya ng grupo na ngalan ay Iglesia ng Diyos. At marami pang simbahang ganito din ang nangyari.

Kung hindi nagtayo ng simbahan si Kristo kung saan tayo makikinig, magtitiwala at sasampalataya, papaano ang mangyayari sa mga Katotohanan na nilahad Niya sa mga Apostoles. Palagay ninyo ba ganito ang ginawa ni Hesus, “O mga kapatid, nasabi ko na ang lahat na dapat kong sabihin sa inyo. Aakyat na Ako sa langit, bahala na kayong unawain ang aking mga itinuro, bahala na kayong magtalo dyan, bahala na kayong mag-away dyan. Tapos na ang misyon Ko! Paalam! Babay!!!”....Paano nagsimula ang dating Katolikong pari na si Martin Luther ng kanyang simbahan noong siglo 1500? Nang siya ay humiwalay sa simbahang Katoliko, marami ang sumunod sa kanya. Subalit hindi nagtagal ay may tumayo at nagsabi, “sir Luther, sa 100 na sinabi ninyo, 99 naniniwala ako, ngunit sa isa hindi ako naniniwala. Mahalaga ang isang bagay na iyon. Hindi talaga ako sang-ayon sa bagay na sinabi ninyo tungkol doon. Hihiwalay na ako sa simbahang tinayo ninyo.” Nagtayo na rin ng panibagong simbahan ang taong ito, at hindi naglaon, ay may isa na namang tumayo at nagsabi sa kanya, “Sir, sa 100 na sinabi ninyo, 95 sang-ayon ako, pero iyong lima, hindi ako makakasang-ayon.   Maghiwalay na tayo.” Sabi ng isa, 'bakit ayaw mong maniwala sa akin? Matalino ka ba?' Opo, ang sagot niya. 'Nagdadasal ka ba?' Opo, sagot ulit niya. 'Taimtim ba ang dasal mo at tunay sa iyong puso?' Aba, sagot niya,' taimtim at tunay sa aking puso ang aking pagdadasal, pero ewan ko po sa inyo kung ganoon din po kayo?' Bakit ba ako makikinig kanino man?..marunong din naman akong magbasa ng bibliya at nagdadasal din naman ako ng taimtim sa Diyos. Sa ganitong katuwiran, papaano tayo magkakaisa? Imposible na sa lahat ng bagay tayo ay magkakasundo sapagkat ang bawat isa ay may ibat-ibang pagkatao. Kung sugo ka ng Diyos, maniniwala ako sa iyo. Subalit kung hindi, wala akong obligasyon maniwala kanino man sapagkat may karapatan ako maniwala sa sarili kong pag-iisip.

Ang pag-aaral ng Bibliya ay masalimuot at hindi madali. May mga pagkakataon na ang iba't ibang kahulugan ay  mukhang may kanya kanyang lehitimong katuwiran. At sa ganitong kalalagayan, hindi mo kayang tuwirang sabihin na mas tama ang isa kaysa sa iba at mukhang kailangan mo na lamang na pumili ayon sa iyong panglasa o opinyon . Sa mga pagkakataon na ito,  mas higit na kailangan ang tulong ng may “authoriy” sa Bibliya at kaya naman tinatag ng Panginoong Hesus ang Kanyang simbahan.

Tinatag ni Hesus ang Kanyang simbahan upang tayo ay magkaisa at hindi maghiwalay (“that all may be one , even as thou...”; John 17:11-12, 20-23). Tinatag niya ito sa pamamagitan ng mga apostoles sa pamumuno ni San Pedro. Pinangako niya na ipadadala Niya ang Diyos Espiritu Santo upang sila ay magabayan sa kanilang ituturo nang walang pagkakamali tungkol sa mga bagay ukol sa pananampalataya at pagpapakabuti. At ang simbahang ito ay hindi mayayanig ni satanas dahil si Hesus ay makakasama ng simbahan hangang sa katapusan ng mundo (Mateo 28:20).

At nasaan ang simbahang ito? Papaano natin malalaman kung anong simbahan ito? Madaling malaman ang simbahang ito kung pagbabatayan natin ang ating kasaysayan (history). Sapagkat ang simbahang ito ay nagmula sa mga apostoles  ayon sa Bibliya, ang kasaysayan (history) ay nagpapatunay na ang Simbahang Katoliko ang unang Kristyanong simbahan na tinatag ni Hesus sa pamamagitan ng mga apostoles. Kung tatanungin mo ang ibat ibang grupo ng simbahan kung sino ang pinuno nila noong taong 300 AD, ang kanilang masasabi ay wala sapagkat wala pa sila. Tanging  Simbahang Katoliko lamang ang may sunodsunod na pinuno ng simbahan mula kay San Pedro, ang unang Santo Papa, hangang kay Santo Papa Benedict XVI, na siyang kasalukuyang Santo Papa. Ang Simbahang Katoliko ang tinatag at naatasan ng Panginoong Hesu Kristo na magturo, mamahala, at magpabanal (sa pamagitan ng mga sakramento na tinatag din ni Kristo) sa mga tao. “Ang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa Akin, at ang hindi nakikinig sa inyo ay hindi nakikinig sa Akin” (Lukas 10:16). “Simon, ang Ngalan mo ngayon ay Pedro na may kahulugang bato. At sa batong ito ay itatayo Ko ang aking simbahan at ang kapangyarihan ng demonyo ay hindi magtatagumpay laban  dito (Mateo 16:13-20)”.

6.3) Pang-aabuso sa sarili (Masturbation)

Ang isang patunay na ito ay masama ay ang kasulatan na nakalahad sa Bagong Tipan: “Kung ang lalaki ay tumingin sa babae na may malaswang pagnanasa sa kanyang mga mata, siya ay nagkakasala kaagad ng pakikiapid sa babae sa kanyang puso”(Mateo 5: 27-28). Kung ang malaswang pagtitig sa babae ay mabigat na kasalanan sapagkat ang pakikiapid ay mabigat na kasalanan, samakatuwid ang pag-aabuso sa sarili ay  mabigat na kasalanan din sapagkat kapag ito ay ginagawa, di ba bumabagyo ng kalaswaan ang ating pag-iisip.

Dapat nating tingnan ang sex na may pag-galang sapagkat ito ay sagrado.  Papaano ba tayo naging tao? Di ba noong si nanay at si tatay ay nagtalik, nagsama ang itlog at semen sa loob ng puson ni nanay, nagbuntis siya at tayo'y   naging tao? At kung ang buhay natin ay sagrado, ang pagtatalik ay sagrado rin at kailangan natin bigyan ito ng tamang pag-galang.
At ano ang dapat nating gawin upang malinis muli ang pagtingin natin sa sex? Kailangan nating humiling ng tulong  sa Panginoon na  linisin ang ating pag-iisip tungkol sa sex upang igalang ito. Tandaan natin, iba ang halik sa kasintahan, iba naman ang halik sa babaeng mababa ang lipad. May pagmamahal at pag-galang ang halik sa kasintahan samantala ang halik sa iba ay kababuyan lamang.

Marahil magandang basahin natin ang kwento ni Tobias sa Lumang Tipang ng Bibliya upang mas lubos nating maunawaan ang sagradong kahulugan ng sex.

6.4) PROSTITUSYON

Ang prostitusyon ay maliwanag na masama sapagkat ito'y labag sa nabanggit kong layunin ng sex. Subalit  may ibang bansa na nagpapahintulot nito dahil marahil sa matagal nang pag-gamit ng contraceptive at ngayon sila'y  nalason ng tinatawag na 'contraceptive mentality'. Hindi ko  nais pang talakayin dito ang masalimuot na dahilan kung papaano nagdulot ng masasamang epekto ang 'contraceptive mentality'. Pagmasdan na lamang natin ang nangyayari sa Europa at Estados Unidos ng America: pinayagan na nila ang abortion (pag-patay sa bata sa loob ng sinapupunan ng ina), ang kasal ng mga bakla at tomboy ,at iba pa. Paano sila humantong sa ganitong paniniwala. Dahil sa pag-gamit ng contraceptive, nagiging mura (cheap) at parang ordinaryong libangan na lamang ang sex, lalo na  sa mga kabataan. Dahan-dahang bumababa ang pagpapahalaga sa sex at pagtingin sa opposite sex na parang isang bagay na panglibangan lamang. Sapagkat gusto nila ito, kung kaya binigyan  ito ng maling katuwiran: Basta wala kang sinasaktan na tao, may karapatan ang bawat isa sa kanyang kaligayahan. At sa patuloy na pagbaba ng tamang pagpapahalaga (right moral values) humantong ito sa pag sang-ayon sa di umano'y karapatan ng mga bakla sa kanilang kaligayahan, sa karapatan ng isang buntis kitilin ang buhay sa kanyang sinapupunan sa paniniwalang hindi pa ito tao hangang hindi pa  isinisilang o kung tao man, sapagkat ang bata ay uma-asa sa kanyang buhay, may karapatan siyang tangalin ang sanggol sa kanyang katawan (reproductive right) na parang isang sakit na kailangang tanggalin o gamutin. At kung ganito na nga ang paniniwala, hindi na masama ang prostitusyon. Pwede nang bilhin ang sex para maglibang. Papaano mo kayang kukumbinsihin ang isang tao na masama ang prostitusyon kung ganito ang kanyang paniniwala.  Ang karamihan sa kanila ay hindi naniniwala sa Diyos kaya madali nilang pinaniwalaan at tinanggap ito.
_____________________________________________________
Bibliography
1 “Theology of the Body Made Simple” by Anthony Percy pp.72-73

4 comments:

  1. eric, thank you for speaking the truth (however, long it was :-) for the truth will set us all free. more power and god bless your ministry of teaching the youth the values that will ensure a healthier and happier philippines.
    ps: i didn't know that the 2nd miracle of st. escriva was to a filipino with ear defect. incidentally, my 3rd son has had recurrent otitis media that led to 2 operations w/o permanent cure. when i helped him make a letter box for a school project, i "accidentally" took a picture of st. josemaria and put it as the "design" of his letter box. to date, it is still displayed on our wall, together with his (michael angelo) picture. i'll tell him about the saint.

    ReplyDelete
  2. "You don't use fliers to hammer down a nail...." --just edit fliers to pliers... God bless to your ministry.

    ReplyDelete
  3. What about homosexuality...? What would you say?

    ReplyDelete
    Replies
    1. As I have written in part 1 of this article, the two purpose of sex is pro-creation and for the intimacy of spouses. Homosexuality violates both of these purpose. There is no pro-creation in same-sex relationship and by nature spouses are male and female: when God created man, they were Adam and Eve. It is also written in the holy scriptures that no murderers, adulterers, fornicators, homosexuals, etc. shall enter the kingdom of heaven. If you believe in the bible, that is a clear and explicit answer to your question. Thanks for reading my article!

      Delete